Bilang ng mga tinamaan ng Mpox, umakyat na sa 18 —DOH

Umakyat na sa 18 ang tinamaan ng Mpox sa bansa ngayong taon.

Pinakahuli ay tatlong pasyente sa CALABARZON na pawang lalake.

Ayon kay Health Sec. Teodoro Herbosa, lima sa mga tinamaan ay gumaling na habang 13 ang patuloy pang nagpapagaling sa bahay.


Wala naman aniyang nahawa sa mga natukoy na mga kaso.

Facebook Comments