Bilang Ng Mga Tinamaan Ng Zika Virus Sa Bansa, Nadagdagan Pa

5

MANILA – Lumobo pa sa labing siyam ang kumpirmadong bilang ng mga tinamaan ng zika virus sa bansa.Batay sa isinagawang press conference ng Departmnet of Health, sinabi ni DOH Spokesman Dr. Eric Tayag, naitala ang dalawang bagong biktima sa Cavite.Isa rito ay batang lalaki, habang ang isa naman ay mahigit 40-anyos na ginang.Sa ngayon, pinakamaraming biktima ay natukoy mula sa Western Visayas na umaabot sa 12, tig-tatlo sa Metro Manila at CALABARZON, habang isa naman sa Central Visayas.Payo naman ng DOH, magpatingin kaagad sa ospital kung may mga senyales ng trangkaso, lalo na kung bumyahe mula sa mga bansang may naitalang zika cases.

Facebook Comments