*Cauayan City, Isabela- *Patuloy ang pag-akyat ng bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Isabela dahil sa mga bagong naitalang nagpositibo.
Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2, labing lima (15) ang naitala ng Isabela ngayong araw, Enero 5, 2021, na kung saan ang anim (6) ay naiulat sa bayan ng Gamu; lima (5) sa Lungsod ng Cauayan; dalawa (2) sa bayan ng Luna; at tig-isa (1) sa Santiago City at Tumauini.
Pero, bagamat may mga bagong positibong kaso, nakapagtala naman ang probinsya ng labing-anim (16) na gumaling sa COVID-19 kaya’t bumaba sa 279 ang kabuuang bilang ng aktibong kaso sa Isabela.
Mula sa natitirang aktibong kaso, isa (1) ay Returning Overseas Filipino (ROFs); tatlo (3) na Non-Authorized Persons Outside Residence (Non-APORs); labing dalawang Healthworker; dalawampu’t pitong (27) pulis; at 236 na Local Transmission.