Bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa Metro Manila, patuloy sa pagbaba

Umaabot na lamang sa 1,700 hanggang 1,900 kada araw ang kaso ng COVID-19 na naitatala ngayon sa Metro Manila.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, ito ay kung ikukumpara sa 4,000 hanggang 5,000 kada araw na naitatalang kaso sa National Capital Regon (NCR) sa mga nakalipas na linggo.

Sa buong bansa naman ay nasa 5,886 kada araw ang kaso ng COVID-19 na siyang kasalukuyang 7-day moving average.


Malayo aniya ito sa 8,000 hanggang 10,000 kada-araw na dating kaso.

Sa kabila nito, nababahala ang Department of Health (DOH) sa paglobo ng kaso ng COVID-19 sa ibang panig ng bansa tulad ng Puerto Princesa, Palawan na itinuturing ngayon na high risk.

Sinabi ni Usec. Vergeire na sa ngayon umabot sa 14 percent ang daily average attack rate o bilang ng mga residente ng Puerto Princesa na nagpopositibo sa virus.

Facebook Comments