Inaprubahan ng Baguio City Government ang panukalang itaas ang bilang ng mga turistang papayagang bumisita sa lungsod kada araw.
Mula sa 500 ay itinaas na ito sa 1,000 tourist per day.
Ayon kay City Tourism Officer Alec Mapalo, niluwagan ng lokal na pamahalaan ang ilang restrictions sa turismo para makabangon ang mga establisyimento mula sa epekto ng pandemya.
Ang hakbang na ito ay napagkasunduan ng City Tourism Office, hotel operators, Department of Health (DOH), at ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong.
Pero aminado si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na may pagtaas ng kaso sa lungsod mula nang tumanggap sila ng turista sa iba pang mga probinsya nitong Oktubre.
Ngunit sinabi rin ni Vergeire na maaaring resulta ng pinaigting na contact tracing ang pagtaas na kaso sa Baguio.