Bilang ng mga Unvaccinated na Bata sa Pangasinan mataas!

Sa datos ng Department of Health Regional Office 1 aabot sa 201,662 ang kabuuang bilang ng mga batang hindi pa nababakunahan laban sa measles sa Rehiyon Uno mula 2014 hanggang 2018. Pinakamataas na bilang ang lalawigan ng Pangasinan na aabot sa 110,205 na mga kaso ng unvaccinated children ang naitala ng ahensya na sinusundan ng La Union na may 41,280 cases, Ilocos Norte na may 25,537 cases, at Ilocos Sur na may 24,640.

Ayon naman sa DOH ang Pangasinan ang may pinakamaraming naitala sa kadahilanang naring sa apat na probinsya ang lalawigan ang may pinakamaraming populasyon. Sa kasalukuyan pumapalo na sa 72,974 ang kaso ng may measles sa rehiyon mataas kumpara 2017 at 2018. Sa Pangasinan mula sa 32 confirmed measles cases noong 2018 umakyat ito sa humigit kumulang 2,500% o 849 na indibidwal ang apektado ng nasabing sakit at 26 dito ang binawian ng buhay. Sa tala ng DOH edad 15 days hanggang 63 years old.
Sa ngayon tanging bayan na lamang ng Natividad sa Pangasinan ang wala pang naitalang kaso ng measles. Kaya naman tutok ang DOH Region 1 sa Pangasinan upang paigtingin ang kampanya sa pagpapatupad ng awareness campaign tungkol sa vaccine sa measles sa mga bata sa pakikipagtulungan din nila sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, NGOs, at mga kawani ng media. Aminado ang DOH na isa sa nakaapekto kung bakit may takot parin ang ibang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak ay dahil sa naging kontrobersya noon ng dengvaxia. Positibo naman ang ahensya na maaabot nila ang target na 95% vaccination sa bawat probinsya sa rehiyon uno kung magiging aktibo sa pakikipagtulungan ang lahat.

Facebook Comments