Kinumpirma ng Philippine Statistic Authority (PSA) na bahagyang tumaas ang bilang ng mga walang trabaho batay na rin sa February 2023 Preliminary Result ng Labor Force Survey ng PSA.
Ayon kay PSA USec. Dennis Mapa, National Statistician, at Civil Registrar, aabot sa 2.47 million ang bilang ng mga walang trabaho o negosyo noong February 2023.
Paliwanag ni Mapa, nasa 4.8% naman ang unemployment rate na naitala kung saan mas mataas ang bilang na ito kung ikukumpara sa 2.37 million na walang trabaho noong January 2023.
Kabilang aniya sa mga pangunahing industriya na bumaba ang bilang ng mga walang trabaho o negosyo ay ang human health and social work activities; construction; mining and quarrying; information and communication, at manufacturing.
Bahagya namang nabawasan ang bilang ng mga underemployed na naitala sa 6.29 million kung saan mas mababa ito sa 6.65 million na underemployed na naitala nuong January 2023.
Tumaas din ang bilang ng may trabaho sa48.8 million noong February 2023 kumpara sa 47.35 million noong January 2023.