Bilang ng mga walang trabaho, bumaba sa ikatlong kwarter ng 2021 – SWS survey

Bumaba sa 11.9 milyong Pilipino ang walang trabaho sa ikatlong kwarter ng 2021 sa gitna ng epekto ng COVID-19.

Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS), pumalo ito sa 24.8% na mas mababa sa naitala noong kaparehong taon na nasa 27.6%.

Habang 12.6 points din itong mas mababa sa 2020 annual average na 37.4%.


Samantala, ipinunto pa ng survey na ang 24.8% jobless rate ay mas mataas pa rin sa 2019’s annual average na 19.8%.

Isinagawa ang survey mula September 12 hanggang 16 kung saan nasa 1,200 adults ang lumahok.

Facebook Comments