Posibleng lumobo pa ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa oras na isailalim muli ang Metro Manila sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ayon kay Department Labor and Employment (DOLE) Undersecretary Dominique Tutay, maaapektuhan ng lockdown ang gumaganda nang employment rate sa Metro Manila nitong mga nakalipas na buwan matapos ang huling pag-iral ng ECQ noong Marso at Abril.
Kasama dito ang 46,000 na walang trabaho sa Metro Manila noong Marso kung saan bumaba ito sa 36,000 sa sumunod na buwan at nitong Hulyo ay nasa 27,000 na lamang.
Kasabay nito, iginiit naman ni Tutay na kahit dalawang linggo lamang ang pag-iral ng ECQ ay may malaking epekto pa rin ito sa usapin ng trabaho at ekonomiya.
Magbubunga rin ito ng mga establisyementong nagsisimula nang sumigla ngunit mapipilitan muling magsara.