Inihayag ng pamunuam ng Saint Andrew the Apostle Parish sa Makati City na dinagdagan nila ang bilang misa para sa paggunita ng Ash Wednesday ngayong taon.
Noong nakaraang taon, tatlong misa lamang ang kanilang ginawa, pero ngayon mayroong pitong misa na gagawin ngayong araw.
Ang unang misa ay ginawa pasado alas-6:30 kaninang umaga at ang huling misa naman ay gaganapin mamayang alas-6:30 ng gabi.
Ito ay dahil sa ipinatutupad na limited seating capacity upang masunod ang social distancing sa nasabing simbahan bunsod na rin ng COVID-19 pandemic.
Taliwas sa nakasanayan sa paglalagay ng abo bilang paggunita ng Ash Wednesday ng mga Katoliko, ngayong taon, ibinubudbod na lang ang abo sa ulo ng mga mananampalataya na nagsimba sa nasabing simbahan.
Mahigpit naman na ipinatutupad ng Saint Andrew the Apostle Parish ang health protocols tulad nalang nag pagkuha ng body temperature, pangalan, address at contact number ng mga nagsisimba bilang bahagi ng kanilang contact tracing.
Halos lahat naman na nagsisimba ay nakasuot ng face mask at faceshield.
Samantala, dumating din ang Special Tasking Public Safety Department ng Makati upang tignan naman kung nasusunod ba ng simbahan ang mga ipinatutupad na health protocol.