Bilang ng naapektuhan ng easterlies sa Mindanao, umabot na sa 165,372 katao

Umabot na sa 165,372 individual ang naapektuhan ng easterlies sa Mindanao.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), katumbas ito ng 37,689 families mula sa Region 11, 12 at BARMM.

Dahil sa easterlies, nakaranas ng mga pagbaha sa mga lugar sa Mindanao.


Sa kasalukuyan, may 26 na pamilya o 117 individual ang namamalagi sa evacuation center.

Habang nasa dalawang bahay ang nawasak at aabot sa 13 ang bahagyang napinsala.

Umabot naman na sa 732,000 pesos ang tulong na naipagkaloob ng DSWD sa mga apektado ng easterlies sa Mindanao.

Facebook Comments