Bilang ng naapektuhan ng LPA sa Mindanao, umabot na sa higit 1-M individuals

Umabot sa na mahigit isang milyong individual ang naapektuhan ng malakas na ulan at pagbaha dulot ng Low Pressure Area sa Mindanao.

Ayon sa talaan ng Department of Social Welfare and Development, katumbas ito ng 307,262 families mula sa mga lalawigan ng Agusan del Sur, Davao de Oro, Surigao del Sur, Davao Oriental, Davao del Norte, Davao del Sur at Davao Occidental.

Aabot naman sa 19,424 families o 71,454 individuals ang namamalagi sa 219 evacuation centers habang nasa 85,936 families o 327,267 individuals ang nanunuluyan sa kani-kanilang kaanak.


Umabot naman sa 449 ang nasirang mga bahay habang nasa 652 ang bahagyang napinsala.

Sa kasalukuyan nasa P55.2 million na ang halaga ng humanitarian assistance ang naipamahagi ng DSWD at iba pang ahensya ng gobyerno sa mga apektado ng LPA sa Mindanao.

Facebook Comments