Bilang ng naapektuhang indibidwal dahil sa Bagyong Verbena at shearline, lumagpas na sa kalahating milyon

Umakyat na sa 624,397 na indibidwal o 178,839 na pamilya ang naitalang naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Verbena at shearline ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Mula ang nasabing bilang sa siyam na rehiyon sa bansa na sinalanta ng bagyo kabilang ang Bicol Region, Eastern at Western Visayas.

Ayon sa huling inilabas na situational report ng DSWD – Disaster Management Response, mahigit sampung libong pamilya o 34,094 ang kasalukuyang nananatili sa mga evacuation centers.

Habang 8,948 na pamilya o 37,155 na indibidwal naman ay nananatili sa kani-kanilang mga kaanak o kaibigan.

Samantala, nasa 76 nakabahayan naman ang nawasak ng kalamidad habang 254 ay partially damage.

Facebook Comments