Bilang ng nabakunahan laban sa COVID-19 sa Pasig, mahigit 250,000 na

Pumalo na sa 255,343 na indibidwal ng lungsod ng Pasig ang mga nabakunahan na laban sa COVID-19 kung saan kabilang dito ang mga medical frontliners, senior citizen, may mga sakit, manggagawa at indigent population.

26,488 na medical frontliners, 43,027 na senior citizen, 67,492 na mga indibidwal na may mga sakit, 37,307 na mga manggagawa at 5,365 na indigent population ang nakatanggap na ng unang dose ng COVID-19 vaccine.

Habang 12,321 na medical frontliners, 29,075 na senior citizen, 32,603 na may mga sakit, 1,665 na mga mangagawa ang nabigyan na ng kumpletong bakuna laban sa COVID-19.


Walang pang nabibigyan ng bakuna para sa 2nd dose na kabilang sa indigent population.

Hinihikayat din ng pamahalaang lungsod ng Pasig ang mga residente nito na magparehistro online para mabilang sa kanilang COVID-19 vaccination program.

Facebook Comments