Pumalo na sa 157,756 na mga indibidwal ang nabakunahan na laban sa COVID-19 sa lungsod ng Pasig.
Mula sa nasabing bilang, 113,161 nito ay naturukan na ng unang dose ng covid-19 vaccine.
Habang ang 44,595 naman ay nakatanggap na ng kompletong doses ng bakuna laban sa nasabing sakit.
Batay sa tala ng Pasig City Health Office, nasa 27,460 na A1 o medical frontliners ang nabakunahan na laban sa COVID-19, 57,282 ang A2 o senior citizen, 65,143 ang A3 o persons with comorbidities, at 7,871 ang A4 o economic frontliners.
Ayon sa Pamahalaang lungsod ng Pasig, nakadepende ang bilis ng rollout ng bakunahan sa lungsod sa pagdating ng supply ng bakuna, at sa alokasyon ng Department of Health o DOH.
Facebook Comments