Patuloy na isinusulong sa lalawigan ng Pangasinan ang responsible pet ownership upang mapanatili ang kaligtasan ng parehong mga pet owners at mga alagang hayop.
Sa datos ng Office of the Provincial Veterinary (OPVET), hanggang sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit isang daang libo o 100, 000 ng mga alagang aso at pusa ang nabakunahan na ng anti-rabies.
Napapakinabangan din ng mga Pangasinenses ang patuloy na pag-arangkada ng mga vet services tulad ng deworming, vet consultations, castration, spaying at iba pa.
Samantala, bahagi rin ng adhikain ng Pamahalaang Panlalawigan ang matutukan at maiwasan ang kaso ng rabies sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments






