Bilang ng nagpapabakuna kontra Tigdas, tumaas – DOH

Tumaas ang bilang ng mga nagpabakuna kasunod ng Tigdas outbreak.

Base sa pag-aaral ng Philippine Survey and Research Center na kinomisyon ng Malacañang lumabas na 94% ng mga respondents ang nagsabing mahalagang mapabakunahan ang kanilang anak.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, isa sa mga dahilan sa pagdami ng kaso ng Measles noon ay ang kawalan ng kumpiyansa ng publiko sa bakuna.


Pero kahit na kontrolado na ang bilang ng kaso ng tigdas sa bansa iginiit ng kalihim na hindi pa rin nila bawiin ang idineklarang outbreak.

Sa ngayon, sabi ni Duque, ang bakuna kontra malaria naman ang sinusuri sa ibang bansa.

Pero hindi ito basta-basta aniya gagamitin sa Pilipinas.

Facebook Comments