Tumaas ng 26% ang suicide deaths sa bansa sa gitna ng nararanasang pandemya.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), pang-27th ang suicide na dahilan ng kamatayan sa Pilipinas.
Tumaas ang suicide deaths sa 3,529 noong 2020 na mas mataas sa 2,808 suicide deaths noong 2019.
Sa pag-aaral ng PSA, ang bilang ng mga namatay sa Pilipinas mula January hanggang December 2020 ay hindi pa kasama sa mga nagpakamatay na Pinoy sa abroad.
Ayon sa mga eksperto, ang pagkabalisa dahil sa pandemic ang nakaapekto sa nakararaming Pinoy na nagdulot ng problema sa mental health.
Ito ay nakita sa pagtaas ng bilang ng tawag sa helplines, fully-booked consultation schedules, at pagdami ng mga aktibidad na makapagpapagaan sa sarili at magpapatanggal stress.
Ipinaliwanag ng psychologist na si Randy Dellosa na maraming Pinoy ang nagkakasakit at sinusubukang ikonsidera ang ‘new normal’ kahit na nasa reyalidad na nasa abnormal na kondisyon ang bansa ngayon.
Umaabot sa 3.6 milyong Pinoy ang dumaranas ng mental health problems pero banta na kumonsulta sa mga healthcare professionals dahil sa pandemic.
Batay naman sa ulat ni National Mental Health Program Head Frances Prescilla Cuevas, may halos 1,145,871 katao ang dumaranas ng depressive disorder.
Ayon sa National Center for Mental Health (NCMH), tumanggap sila ng may 32 hanggang 37 na tawag ang kanilang natanggap o may monthly average calls na 907.