Bilang ng nagpaparehistro para sa 2022 election, kulang pa – COMELEC

42

Umabot na sa 59 million Pilipino ang nakapagparehistro para sa 2022 national and local elections.

Pero ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Spokesperson Director James Jimenez, kulang pa ito ng 2 million para maabot nila ang target na 61 million registered voters.


Aniya, patuloy ang kanilang satellite registration, apat na buwan bago matapos ang registration period

Aminado naman si Jimenez na isa sa dahilan kung bakit mabagal ang usad ng registration ay dahil mayroon lang silang isang registration sa kada lungsod o munisipalidad.

Dahil dito, target ng COMELEC na magdagdag ng limitadong satellite registrations sa Metro Manila.

Facebook Comments