BILANG NG NAGPOSITIBO NG COVID-19 SA ISABELA, MAS MATAAS SA NAKAREKOBER

Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ng apatnapu (40) na bagong positibong kaso ng COVID-19 ang probinsya ng Isabela.

Sa datos ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, Pebrero 25, 2021, mula sa 40 new covid-19 cases, ang dalawampu’t pito (27) ay naitala sa Santiago City; lima (5) sa bayan ng Cabagan; tatlo (3) sa Lungsod ng Cauayan; tig-dalawa (2) sa bayan ng Gamu at Tumauini at isa (1) sa City of Ilagan.

Mayroon namang siyam (9) na bagong gumaling sa COVID-19 at ngayo’y umaabot na sa 4,673 ang kabuuang bilang ng gumaling sa probinsya.


Tumaas naman sa 5,145 ang bilang ng kumpirmadong kaso sa probinsya na kung saan siyamnapu’t siyam (99) rito ang nasawi.

Sa kasalukuyan, nasa 374 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa probinsya.

Mula sa bilang ng aktibong kaso, 333 rito ang Local Transmission, dalawampu’t limang (25) health workers; sampung (10) pulis at anim (6) na Locally Stranded Individuals (LSIs).

Facebook Comments