Bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa Bontoc, 57 na

Kinumpirma ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na umabot na sa 57 ang nagpositibo sa COVID-19 sa Bontoc, Mountain Province.

Kasama sila sa natukoy na 369 close contacts ng mag-asawang balikbayan na mula sa United Kingdom.

Sa naturang bilang, 233 ang sumailalim na sa RT-PCR test kung saan 57 na ang nagpositibo habang 41 pang resulta ng pagsusuri ang nakabinbin.


Sa 57 na ito, kasama na ang 12 na nagpositibo sa UK variant at dalawa ang nagnegatibo sa mas nakakahawang variant.

Ayon kay Usec. Vergeire, ang iba pang nagpositibo sa RT PCR test ay nakasalang pa sa genome sequencing ang mga nakuhang sample at posibleng malaman ang resulta sa Lunes.

Samantala, ayon pa kay Usec. Vergeire, nasa 2,000 na ang nasuri ng lokal na gobyerno sa Bontoc at Sagada kaugnay sa pagtaas ng COVID-19 kasama ang pagkalat ng UK variant sa Bontoc.

Facebook Comments