Bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa buong mundo, pumalo na sa mahigit 3M!

Pumalo na sa 1,012,517 ang nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Estados Unidos.

Sa nasabing bilang, nasa 30% nito ang nagmula sa State ng New York na itinuturing na episentro ng COVID-19 outbreak sa kanilang bansa.

Kaugnay nito, nasa 58,356 na ang nasawi sa Amerika dahil sa virus matapos madagdagan ng higit 2,000 sa loob ng magdamag.


Samantala, sa kabuuan ay nasa 3,115,977 na ang confirmed cases sa buong mundo at 217,132 naman dito ang naitalang nasawi.

Facebook Comments