Bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa QC, umabot na sa 7,484

Nadagdagan ng 129 ang bilang ng kumpirmadong COVID-19 cases sa Quezon City.

Umabot na ngayon sa 7,484 ang nagpositibo sa virus sa lungsod.

Ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit, sa kabuuang bilang 2,359 ang COVID-19 active cases.


Nadagdagan din ng bagong labing walong (18) gumaling para sa kabuuang 4,713 at dalawa naman sa mga namatay na umabot na sa 311.

Base sa datos ng City Health Department, pinakamaraming namatay ay mula sa District 4 na may 67, sampu sa nasabing bilang ay mula sa Barangay Tatalon.

Sumunod ang District 1 na may 66, pinakamarami sa Barangay Bahay Toro na nakapagtala ng 12 katao, 60 sa District 6, malaking bilang ay mula sa Barangay Tandang Sora, Culiat, Pasong Tamo at Baesa.

Samantala, may 43 naman sa District 2, 16 dito ay mula sa Batasan Hills at 16 sa Holy Spirit.

Nakapagtala rin ng 38 sa District 3, labing-isa ay mula sa Barangay Matandang Balara habang sa District 5 ay may 37 na ring napaulat na namatay.

Facebook Comments