Umabot na sa 13 katao kabilang ang tatlong pulis ang inaresto dahil sa illegal discharge ng firearms kasabay ng holiday season.
Ayon kay PNP spokesperson, Chief Superintendent Benigno Durana – nahuli ang mga ito mula December 16 hanggang 26, 2018.
Isa aniya sa mga pulis ay inaresto sa Metro Manila habang ang dalawa ay nahuli sa Central Luzon.
Sinabi ni Durana – nahaharap na ang mga ito sa kasong administratibo.
Ang ibang lumabag ay kinabibilangan ng limang sibilyan, isang sundalo, dalawang security guard, isang tauhan ng law enforcement agency, isang government official.
Nakapagtala rin ang PNP ng dalawang kaso ng ligaw na bala, isa sa Metro Manila at isa sa Cordillera Region.
Facebook Comments