Bilang ng nahuling lumabag sa ADDA, hindi muna ilalabas ng LTO

Manila, Philippines – Nilinaw ni LTO Law Enforcement Service Director Francis Ray Almora na hindi muna sila magbibigay ng bilang kung ilan ang mga nahuhuling lumalabag sa ipinatutupad na Anti-Distracted Driving Act.

Ayon kay Almora, nakakalat ang lahat ng mga tauhan ng Law Enforcement Service sa kahabaan ng Quezon Avenue at EDSA upang manghuli sa mga lumalabag sa ipinatutupad na ADDA at maging ibang mga paglabag sa batas trapiko gaya ng hindi pagsusuot ng helmet at seat belt,

Paliwanag ni Almoram nais nilang centralized ang pagbibigay ng eksaktong bilang ng mga paglabag sa batas trapiko lalo na ang paglabag sa Anti-Distracted Driving Act na matagal na nilang ipinaalam sa publiko pero ngayon lamang mahigit na ipatutupad ang naturang batas.


Unang naaresto ang dalawang katao sa kahabaan ng Quezon Avenue dahil sa paglabag sa ADDA at mahigit 140 naman ang nahuhuli sa mga ibat ibang paglabag sa batas trapiko gaya ng hindi pagsusuot ng Helmet, Seat belt at iba pang mga paglabag sa batas trapiko.

Facebook Comments