Bilang ng naitalang bagong kaso ng BA.5 Omicron subvariant sa bansa, umabot sa 816; 42 na bagong kaso ng BA.4 subvariant at 52 naman na bagong kaso ng BA.2.12.1 subvariant, naitala rin!

Naitala ng Department of Health (DOH) ang 816 na karagdagang kaso ng BA.5 Omicron subvariant sa bansa.

Ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, ang lahat ng rehiyon maliban sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay nakapagtala na ng nasabing Omicron subvariant.

Nasa 12 returning overseas Filipinos (ROFs) aniya rin ang tinamaan ng BA.5 Omicron subvariant.


Samantala, nakapagtala rin ang DOH ng 42 na bagong kaso ng BA.4 subvariant.

Sinabi ni Vergeire na ang mga nasabing kaso ay 10 indibidwal ang nagmula sa region 12; siyam ay mula sa region 11; pito mula sa region 6; apat mula sa National Capital Region (NCR) at region 5; tatlo mula sa region 4-A at tig-isa mula sa CAR at BARMM.

Tatlong ROF din aniya ang nagpositibo sa BA.4 subvariant.

Kinumpirma rin ni Vergeire na nakapagtala rin ang bansa ng 52 naman na bagong kaso ng BA.2.12.1 subvariant.

Aniya, ang mga natukoy na kaso ay mula sa Regions 3, 5, 6, 7, 9, 11, 12, 4A, CAR, CARAGA, at NCR.

Sa ngayon, umabot na sa 1,108 ang kabuuang kaso ng BA.5 Omicron subvariant, habang umakyat na sa 54 ang kumpirmadong tinamaan ng BA.4 subvariant at pumalo na sa 139 naman ang kabuuang kaso ng BA.2.12.1 subvariant sa bansa.

Facebook Comments