Bilang ng naitalang election-related incidents matapos ang BSKE 2023, umakyat pa sa 264

Tumaas pa ang bilang ng mga naitalang election-related incidents sa bansa ilang araw matapos ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon sa Philippine National Police (PNP), umakyat pa sa 264 ang bilang ng mga karahasang may kaugnayan sa katatapos lang na BSKE kung saan 47 rito ay validated election-related incidents.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, ang mga kumpirmadong poll-related incidents na nagresulta sa pagkasawi ay aabot sa 15 habang 43 naman ang naitalang sugatan.


Aniya pa, pinakamarami ang naitalang election-related incidence sa Bangsamoro Autonomous Region na nasa 16, Region-10 na aabot ng 13, apat sa Cordillera, tatlo sa Regions 1 at 8, tig dalawang kaso sa Regions 5 at 7 at tig isang kaso sa NCR, Regions 4A at 9.

Sa mga insidenteng naitala, pinakamarami ang shooting o pamamaril na nasa 19, pito ang naitala na physical injury, apat ang pananakit, tatlong kidnapping, dalawang kaso ng light threats at fire incidents, at tig isang kaso ng grave threats, armed confrontation, robbery with intimidation and violation of domicile, indiscriminate firing at armed encounter.

Samantala, 114 naman ang suspected election-related incidence at 103 naman ang non-election-related incidence.

Facebook Comments