
Pumalo na sa 7,909,186 na indibidwal ang naapektuhan ng pananalasa ng Super Typhoon Uwan ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa huling inilabas na ulat ng DSWD – Disaster Management Response as of 6:00 a.m. ngayong araw, katumbas ito ng mahigit 2.2 milyong pamilya.
Ang naturang bilang ay mula sa 16 na rehiyon sa bansa na hinagupit ng kalamidad.
Samantala, nasa 43,088 pamilya o 150,102 indibidwal ang nanatili pa rin sa mga evacuation centers.
Habang nasa 158,559 na katao o 43,790 na pamilya ang nasa labas ng evacuation centers at nananatili sa kani-kanilang mga kaanak o kaibigan.
Kaugnay nito, 23,074 na mga bahay ang nawasak naman ng bagyo habang 244,252 naman ang partially damaged.
Facebook Comments









