Nakitaan ng pagtaas ang naitatalang kaso ng panggagahasa sa lalawigan ng Pangasinan ngayong taon, batay sa inilabas ng Pangasinan Police Provincial Office.
Ayon sa PangPPO, 93% ang naitala na ngayong taon. Batay pa dito na 220 ang insidente ng rape ang naitala dito sa probinsya simula Enero hanggang Hulyo ngayong taon na mas mataas kung ikukumpara sa 205 na naitalang kaso noong nakaraang taon sa parehong buwan.
Mariin ngayong pinag iingat ng ahensiya ang publiko na maging behelante at mapagmatyag upang maiwasan ang ilang insedente na posible namang humantong sa panggagahasa.
Pinakabago namang insidente dito ay ang mga pangboboso sa mga kababaihan sa banyo dito sa lungsod ng Dagupan at sa bayan ng Mangatarem.
Ipinaalala din ng Women and Childrens Desk ng PangPPO na ugaliing tingnan ang paligid upang makaiwas sa anumang karahasan lalo na kung ikaw ay mag isa.