Monday, February 9, 2026

Bilang ng naitalang pagyanig kada araw sa Sultan Kudarat, bumaba—PHIVOLCS

Pangkalahatang bumaba ang bilang ng naitatalang pagyanig sa Sultan Kudarat sa loob ng isang araw ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Matapos na dumami ang bilang nitong katapusan ng Enero taong kasalukuyan.

Ayon sa PHIVOLCS, ang pinakamataas na bilang ng kanilang naitalang paglindol sa loob ng 24-oras ay nitong Enero 27 hanggang 28 kung saan umabot sa 833 ang recorded earthquakes.

At sa mga sumunod na araw ay bahagya na itong bumababa hanggang sa maitala ang 36 na pagyanig nitong February 6 hanggang 7.

Batay sa pagsusuri ng ahensya na ang pagbaba ng bilang ay nangangahulugang humihina na ang earthquake swarm.

Pero makararanas pa rin ang lugar ng paminsan-minsang pagyanig.

As of February 8, nasa 3,570 earthquakes na ang naitala ng PHIVOLCS sa katubigang malapit sa Sultan Kudarat kung saan 120 sa mga ito ay naramdaman.

Habang ang magnitude ranges na nai-record ng ahensya ay mula 1.3 hanggang 5.9.

Facebook Comments