BILANG NG NAITALANG SUNOG SA PANGASINAN, UMABOT NA SA HIGIT 100

Lampas isang daan o 105 na ang naitalang kaso ng sunog sa lalawigan ng Pangasinan, mula Enero 1 hanggang 20 ng Marso ngayong taon.

Sa isang panayam kay FSInsp. Gian Gloreine Galano ng BFP Pangasinan, papalo sa 55 ang structural o yung mga residential at commercial buildings; 28 naman ang non-structural o yung mga grassfire at mga basura; 12 naman ang vehicular.

Kahapon, nasaksihan ng IFM News Dagupan ang Isang grassfire na sumiklab sa bahagi ng Brgy. Mancup sa Calasiao kung saan pinaniniwalaang ikalawa na sa nasabing barangay ngayong buwan.

Gayunpaman, patuloy na nagpapalala ng BFP ukol sa pag-iingat at maiwasan ang sunog ngayong Fire Prevention Month at unti-unti nang nararanasan ang matataas na heat index.

Paalala ni FSInsp. Galano, iwasan ang pag-overload sa mga extension wires, gayundin ang paggamit sa cellphone habang nagchacharge dahil posible itong mag-overheat at maging sanhi ng sunog.

Samantala, patuloy ang pag-iikot ng mga bumbero sa mga komunidad upang ikampanya ang Oplan Ligtas na Pamayanan Program na magbibigay kaalaman sa publiko ukol sa fire safety. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments