
Kinumpirma ni Committee on Kontra Bigay Commissioner-in-Charge Ernesto Maceda na umabot sa 1,162 ang bilang ng mga naiulat na vote buying at selling noong 2025 midterm elections.
Ayon kay Maceda, mas mababa ang nasabing bilang ng 5.22% kumpara sa 1,226 noong 2022 national elections.
Batay sa datos ng Commission on Elections (COMELEC), mahigit 600 ang mga kasong may kinalaman sa vote buying, kabilang na ang paggamit ng digital platforms habang higit 200 kaso naman ang sangkot sa abuse of state resources tulad ng maling paggamit ng ayuda at iba pa.
Aabot Din sa mahigit 300 kandidato ang napadalhan ng show cause orders kung saan ang Region III ang nanguna sa may pinakamaraming ulat ng vote buying, na sinundan ng Region IV-A, Region V, National Capital Region, at Region I.
Nabatid na isa ang Bulacan ang probinsyang may pinakamaraming reklamo ng vote buying, na sinundan ng Camarines Sur, Laguna, Rizal, at Marikina.
Dagdag pa ng Comelec, mas kaunti ang mga naitalang kaso dahil mas namulat na umano ang publiko dahil sa enforcement visibility at umiiwas ang mga kandidato na mahuli at maparusahan.









