Saturday, February 7, 2026

Bilang ng naiulat na nasawi dulot ng Bagyong Basyang, umabot na sa 8 —NDRRMC

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), as of 12:00 a.m. ngayong araw, umabot na sa walong indibidwal ang naiulat na nasawi dulot ng Bagyong Basyang.

Nabatid na una nang naiulat ang apat na miyembro ng pamilya na nasawi sa Cagayan de Oro City dahil sa landslide.

Ang naturang impormasyon ay mula sa Office of Civil Defense (OCD) Region 10.

Samantala, nadagdag naman sa tala ang tatlong indibidwal na nasawi batay sa ulat ng Alkalde ng Iligan City na si Frederick Siao, na sa ngayon ay inaalam pa ang sanhi ng mga insidente.

Bukod dito, isang nasawi rin ang naiulat sa Agusan del Norte, na sanhi naman ng pagkalunod.

Facebook Comments