Bilang ng naiulat na nasawi dulot ng Bagyong Tino, pumalo na sa 204

Sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, nasa 204 na ang bilang ng nasawi dulot ng Bagyong Tino.

Ang pinakamalaking ulat ay nasa 141 mula sa Cebu ,sinundan ito ng Negros Occidental na nasa 27 na ang bilang , Negros Oriental 20, 3 sa Capiz, 2 sa southern Leyte, tagiisa sa Antique,Iloilo, Guimaras, Bohol, Leyte, at ang anim na nasawi na mga Philippine Air Force Personnel sa Agusan Del Sur.

Samantala, nasa 109 na ang naiulat na nawawala, kung saan ang 57 dito ay mula sa Cebu, sinundan ng 42 mula sa Negros Occidental at 10 mula sa Negros Oriental.

Nasa 156 naman ang naitalang injured kung saan malaki pa rin dito ang sa Cebu na nasa 123.

Kaugnay nito, nakapasok na ang Bagyong Uwan sa Philippine Area of Responsibility (PAR) at pinagiingat na ang lahat lalo na inaasahan na malawak ang sakop ng nasabing bagyo.

Facebook Comments