Umaabot na sa 185,178 ang total recoveries sa hanay ng COVID-19 patients sa bansa.
Ito ay matapos madagdagan ng 286 na bagong recoveries.
Ang active cases naman ay 52,893 at ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa ay 241,987.
3,281 naman ang naitalang bagong kaso ng nasabing sakit.
Habang 26 ang panibagong binawian ng buhay kaya ang total deaths ngayon ay nasa 3,916.
Kinumpirma naman ng Department of Health (DOH) na umaabot na sa 2.7 million individuals ang naisailalim nila sa COVID-19 test.
Samantala, wala muling naitala ang Department of Foreign Affairs (DFA) na Pilipino sa abroad na binawian ng buhay dahil sa COVID-19.
Bunga nito, nananatili ang total deaths sa 763.
Pito lamang din ang mga bagong kaso ng nasabing sakit sa hanay ng mga Pinoy sa ibayong dagat.
Bunga nito, umaabot ang total cases sa 10,136 at ang active cases ay 3,040.
10 naman ang bagong naka-recover kaya ang total recoveries ngayon ay 6,333.