Bilang ng nakapag-enroll ngayong taon, tumaas ng 4% ayon sa DepEd

Tumaas ng halos 4% ang naitalang enrollees ng Department of Education (DepEd) para sa school year 2021-2022.

Aabot ito sa 27,232,095 na mas mataas ng higit milyon o 3.8% sa enrollment count noong Nobyembre na nasa 27.23 million.

Batay sa datos ng Learner Information System (LIS) ng DepEd, lumalabas na ang enrollment sa public schools ay tumaas ng 5.25 percent o 1.19 million kumpara noong nakaraang taon na bilang.


Samantala, ang enrollment naman sa private schools, State Universities and Colleges (SUCs) at Local Universities and Colleges (LUCs), at overseas schools ay nakapagtala ng bahagyang pagbaba.

Sa ngayon, hindi pa pinal ang datos dahil may 520 paaralan pa ang hindi pa nag-update ng kanilang enrollment profile sa LIS.

Facebook Comments