Bilang ng nakapag-enroll para sa school year 2022-2023, pumalo na sa higit 21-M ayon sa DepEd

Pumalo na sa mahigit 21 milyon ang mga estudyanteng nakapag-enroll na para sa school year 2022-2023.

Ito ay batay ito sa updated data ng Learner Information System (LIS) ng Department of Education (DepEd) nitong August 16.

Sa kabuuan, umabot na sa 21,272,820 ang bilang ng mga nagparehistro na mga mag-aaral simula nitong July 25.


Mula sa naturang bilang, mahigit 18 milyon (18,723,393) ang nakapag enroll sa mga public school.

Nakapagtala naman ng 2,478,488 ang mga private school habang 71,939 naman sa mga state university and colleges (SUCs) at local colleges and universities.

Pinakamarami sa mga nakapagpatala ang Region IV-A na umabot sa 3,070,451 na sinusundan ng Region III na may 2,366,003 at National Capital Region na may 2,295,245.

Ayon pa sa DepEd, magpapatuloy ang enrollment hanggang sa Lunes, Agosto 22, 2022.

Maaring makapagpatala sa pamamagitan ng in-person, remote at dropbox enrollment.

Para naman sa mga Alternative Learning System (ALS) ay maaari pa rin silang magpatala in-person o digital.

Facebook Comments