Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ng mas mataas na bilang ng gumaling kaysa sa naitalang bagong positibong kaso sa lalawigan ng Isabela.
Sa datos ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, Enero 18, 2021, tatlumpu’t siyam (39) ang bagong gumaling sa COVID-19 sa Isabela at ngayo’y umaabot na sa 3,240.
Umaabot naman sa 25 na bagong positibong kaso ang naitala sa probinsya kung saan sampu (10) ang naiulat sa Lungsod ng Ilagan; tatlo (3) sa Lungsod ng Santiago; tig-dalawa (2) sa bayan ng Alicia, Jones at sa Lungsod ng Santiago; at tig-isa (1) naman sa mga bayan ng Burgos, Ramon, Reina Mercedes, Cabatuan, Benito Soliven at San Manuel.
Sa kasalukuyan, bumaba sa 487 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela.
Mula sa bilang ng natitirang aktibong kaso, pinakamarami ang Local Transmission na 433, sumunod ang mga Healthworker na dalawampu’t walo (28); dalawampu’t dalawang (22) pulis at apat (4) na Non-Authorized Persons Outside Residence (Non-APORs).