Bilang ng Nakarekober sa COVID-19 Ngayong Araw sa Isabela, Mas Mataas sa Bagong Kaso

Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ng mas mataas na bilang ng nakarekober sa COVID-19 ang lalawigan ng Isabela ngayong araw, Pebrero 7, 2021 kumpara sa bilang ng bagong nagpositibo.

Sa datos ng Department of Heath (DOH) Region 2 as of 8:00 ngayong araw, apatnapu’t siyam (49) ang naitalang gumaling sa COVID-19 habang tatlumpu’t isa (31) ang bagong tinamaan ng nasabing sakit.

Umaabot na sa 3,968 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa probinsya habang 4,619 naman ang total confirmed cases.


Mula naman sa 31 new COVID-19 cases, ang labing isa (11) rito ay naitala sa bayan ng Angadanan; apat (4) sa Lungsod ng Cauayan; tatlo (3) sa Lungsod ng Santiago; tig-dalawa (2) sa bayan ng Alicia at gamu at tig-isa (1) sa Cordon, Delfin Albano, City of Ilagan, Luna, Naguilian, Ramon, San Mateo, San Pablo at San Mariano.

Sa kasalukuyan, mayroong 573 na aktibong kaso ng COVID-19 ang Isabela na kung saan 494 dito ay Local Transmission; 32 na pulis; 32 Healthworker; 13 na Locally Stranded Individuals (LSIs); at dalawa na Returning Overseas Filipino (ROFs).

Facebook Comments