Bilang ng namataang Chinese vessel malapit sa Pag-asa Island at Sabina Shoal, kumonti na ayon sa PCG

Bumaba na ang bilang ng namataang Chinese vessel malapit sa Pag-asa Island at Sabina Shoal na parehong sakop ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Batay sa isinagawang maritime domain flight ng Philippine Coast Guard sa West Philippine Sea nitong Huwebes, mula sa 42 vessels na naitala sa Pag-asa Island noong nakaraang linggo ay nasa 15 na lamang ito.

Habang nasa 17 na Chinese vessels na lang ang naitala sa Sabina Shoal mula sa 26 na namataan dalawang linggo ang nakararaan.


Pero ayon sa PCG, namataan pa rin nila ang Jiangdao Class warship at CCG vessel 5203 ng China

Dagdag pa rito, patuloy pa rin ang pag-isyu nito ng radio challenges sa Coast Guard kung saan pito ang natanggap nila noong Huwebes.

Ibibigay naman ng PCG ang kumpletong report sa isinagawang maritime domain flight sa National Task Force on the West Philippine Sea para sa review at analysis.

Facebook Comments