BILANG NG NAMATAY NA COVID-19 POSITIVE SA REGION 02, NADAGDAGAN

Cauayan City, Isabela- Umakyat na sa labing tatlo (13) ang bilang ng nasawi sa COVID-19 sa Lambak ng Cagayan.

Ito’y matapos madagdagan ng isa (1) pang casualty na naitala ng probinsya ng Nueva Vizcaya.

Kinumpirma ito ni Dr. Edwin Galapon, Provincial Health Officer na pumanaw na kahapon (September 8, 2020) si CV 836, isang 54 taong gulang na lalaki mula sa Poblacion North ng bayan ng Solano.


Ayon kay Dr. Galapon, ang pasyente ay nakararanas ng diabetes bago pa tamaan ng COVID-19.

Sa kasalukuyan ay nakapagtala na ng walong (8) covid-19 positive na namatay sa sakit ang bayan ng Solano.

Facebook Comments