Baguio, Philippines – Patuloy ang pagbaba ng bilang ng naninigarilyo sa lungsod ng Baguio ayon sa update ng Smoke-free Baguio sa City Health & Services Office kung saan nasa 30% na kalalakihan at 7.3% na kababaihan ang naninigarilyo o nasa 17.6% na sumatutal ang naninigarilyo sa lungsod at nasa walo sa sampung katao ang gustong magbago at itigil ang nasabing bisyo.
Malaki ang dinulot na magandang pagbabago ng Anti-Smoking ordinance sa lungsod at sa pagpapatupad nito ng mahigit na 400 na enforcers at ilang mga barangay officers.
Paalala naman ng smoke-free Baguio sa mga lumalabag sa nasabing ordinansa, mayroon silang matatanggap na resibo para magbayad ang mga lumabag na dapat ay nakapagmulta na sa tatlo hanggang limang araw na ibinigay na palugit simula noong araw na nahuli sila kung saan turista man o residente, magmumulta ang mahuhuli ng P1, 000.00 plus community service para sa first offense, P2, 000.00 plus community service sa second Offense at P3, 000.00 na may karagdagang parusa ang mahuhuli ng pangatlong beses o mahigit pa.
Sa mga hindi talaga mapigilan ang kanilang bisyo, maaari namang manigarilyo basta sa kani-kanilang loob ng tahanan at sa 12 na designated smoking area sa lungsod.
iDOL, sa pamilya nyo ba, may naninigarilyo?