Bilang ng napa-ulat na nasawi dahil sa Bagyong Kristine, umakyat na sa 74 — NDRRMC

Sumampa na sa pitumpu’t apat (74) na indibidwal ang napaulat na nasawi bunsod ng pananalasa ng Bagyong Kristine.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), isa sa nasabing bilang ang kumpirmadong namatay dahil sa bagyo.

Animnapu’t pito (67) naman ang reported injured habang 35 ang nawawala.


Umabot na sa 694,511 na pamilya o katumbas ng mahigit tatlong milyong indibidwal ang naapektuhan ng bagyo.

Pero sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nasa 880,000 na pamilya o katumbas ng mahigit 3.6 milyong katao na ang apektado ng bagyo mula sa 17 rehiyon.

Samantala, pumalo na sa ₱34.5 million ang naitalang pinsala sa imprastraktura.

Batay naman sa datos ng Department of Agriculture (DA), umabot na sa ₱143.47 million ang naging pinsala ng bagyo sa mga pananim sa Cordillera Administrative Region, MIMAROPA, Bicol at Western Visayas.

Facebook Comments