Manila, Philippines – Sa ika-anim na linggong bakbakan aabot na sa 366 na terorista ang napapatay ng tropa ng pamahalaan sa Marawi City.
Sa Marawi briefing sinabi ni AFP joint task force Spokesperson Lt. Col. Jo-Ar Herrera – lalo pa nilang pinaigting ang operasyon sa apat na barangay na hindi pa nila tuluyang nababawi.
Samantala, sa panig ng pamahalaan aabot na sa walumpu’t pito (87) ang nalalagas habang nasa tatlumput’ siyam (39) na sibilyan ang napapatay.
Mahigit 280,000 indibidwal na ang mga naitatalang lumikas dahil sa gulong dala ng Maute terror group.
Sa ngayon, naghahanda na ang engineering units ng Armed Forces of the Philippines para sa reconstruction, rebuilding at rehabilitation sa Marawi City.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558