Umakyat pa sa 90 ang napaulat na nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Kristine sa bansa.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), isasailalim pa sa validation ang naturang bilang ng mga nasawi.
Habang mayroon ding naiulat na 36 na nawawala habang 71 ang mga nasaktan.
Umaabot naman sa mahigit isang milyong pamilya o katumbas ng mahigit 5.7 milyong indibidwal ang apektado ng bagyo mula sa 71 probinsya sa bansa.
Sa nasabing bilang, mahigit 382,000 indibidwal ang pansamantalang nanunuluyan sa iba’t ibang evacuation centers sa bansa.
Samantala, base pa sa datos ng NDRRMC, pumalo na sa ₱1.4 billion ang halaga ng naitalang pinsala ng nagdaang sama ng panahon sa sektor ng agrikultura habang mahigit ₱825 million naman sa imprastruktura.