Bilang ng napaulat na nasawi dulot ng Bagyong Tino, lumobo na sa 66 ayon sa OCD

Sa panayam kay Office of Civil Defense (OCD) Deputy Administrator for Administration Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV, umakyat na sa 66 ang naiulat na nasawi sa pananalasa ng Bagyong Tino.

Batay sa ulat, isa ang mula sa Region 6, pito sa Negros Island Region, 50 mula sa Region 7, dalawa sa Region 8, at anim na nasawi naman dahil sa helicopter crash sa Agusan del Sur.

Kaugnay nito, 10 ang naiulat na sugatan habang aabot na sa 26 ang nawawala — 13 dito ay mula sa Negros Occidental at kaparehong bilang mula sa Region 7.

Samantala, mahigit 100,000 pamilya na ang naiulat na nasa evacuation centers, kung saan mahigit 700,000 indibidwal ang naapektuhan ng pananalasa ng bagyo.

Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang clearing at relief operations sa mga naapektuhang lugar.

Facebook Comments