Bilang ng napauwing displaced OFWs, sumampa na sa kalahating milyon – DOLE

Umabot na sa higit 500,000 overseas Filipino workers (OFWs) ang nawalan ng trabaho dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic sa bansa.

Sa report ng Department of Labor and Employment – Information and Publication Service (DOLE-IPS), aabot na sa 502,581 repatriated OFWs ang na-displaced.

Ligtas namang nakauwi ang mga ito sa kanilang home provinces matapos sumailalim sa COVID testes at quarantine protocols sa iba’t ibang hotels.


Sa hiwalay na report naman ng DOLE International Labor Affairs Bureau (ILAB), lnasa 645,071 OFWs ang apektado ng pandemya.

Ang 502,581 returning OFWs ay bumubuo sa kabuoang 627,576 na na-displaced.

Nasa 49,698 ang naghihintay ng repatriation habang 75,297 ang gustong manatili sa kanilang host countries.

Mula nitong April 4, aabot sa 17,495 ang kumpirmadong kaso ng COVID sa mga OFWs – 10,155 ang gumaling habang 938 ang namatay.

Facebook Comments