Inihayag ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na umabot na sa higit 5,000 ang bilang ng nasawi dahil sa ikinakasa nilang anti-drug operation.
Sa datos ng PDEA, umakyat na sa 5,903 ang nasawi sa kanilang mga operasyon ngayong taon.
Ito’y matapos makapagtala ng 47 drug suspect ang namatay nitong nakalipas na buwan ng Agosto at Setyembre.
Base pa sa ulat ng PDEA, nasa 896 tauhan ng gobyerno ang naaresto dahil sa droga.
Sa nasabing bilang, 438 ang empleyado ng pamahalaan; 356 ang nahalal na opisyal; at 102 ang uniformed personnel.
Batay naman sa ulat ng United Nations Human Rights Council (UNHRC), umabot na sa 8,663 na ang napatay mula nang simulan ang anti-illegal drug campaign ng kasalukuyang administrasyon.
Facebook Comments