Nababahala ngayon ang mga mamamayan sa Mexico matapos na pumalo sa higit 100,00 ang nasawi dahil sa COVID-19.
Sa datos na inilabas ng Johns Hopkins University, 100,104 ang kabuuang bilang ng nasawi mula ng magsimula ang COVID-19 pandemic habang umaabot na sa 1.02 milyon ang nagpositibo sa virus.
Dahil dito, patuloy na sinisisi ng mga kritiko ang mabagal na aksyon ni Mexican President Andrés Manuel López Obrador kaya’t lumalala ang pagkalat ng virus sa kanilang bansa.
Matatandaan na noong buwan ng Marso, sinabi ni Obrador na hindi niya itinuturing na isang emergency situation ang COVID-19 kung saan tanging dasal at anting-anting ang kaniyang ginagamit bilang proteksyon upang hindi mahawaan ng virus.
Pinangangambahan naman ng mga mamamayan na baka tumaas pa ang kaso ng COVID-19 at bilang ng mga masasawi dahil sa kakulangan ng pondo ng pamahalaan sa kanilang public health system.