
Mula sa 25 na naiulat na bilang,nadagdagan pa ng dalawa ang naiulat na nasawi dulot ng Bagyong Uwan.
Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Deputy Administrator for Administration, Assistant Sec. Raffy Alejandro, mula sa CAR at Region 9 ang naiulat na nadagdag na bilang.
Dahil dito, may kabuuang 27 na ang napaulat na nasawi kung saan 19 na ang naiulat na sa CAR, sa Region 2 ay 3, at tig-iisa sa Region 5, 6,8,9 at sa isa pang probinsya.
Samantala, nasa 36 na ang naitalang nasugatan mula sa Region 2, CAR, Region 5, 6, at sa Negros Island Region.
Habang nananatiling dalawa ang naiulat na nawawala dahil sa Bagyong Uwan.
Kaugnay nito, ayon kay Alejandro, bagaman may hawak na silang supporting documents patungkol sa casualties ng bagyo, nananatili pa rin itong under validation hangga’t hindi pa ito tuluyang nakukumpleto.









